Beyond Comprehension











{February 28, 2007}   Birth!

Revised version… hehe!birth1.ppt



{February 28, 2007}   Rich Kiamco

R- radiant, radical, rational

I-idol, illustrious, immeasurable, immense, impressive, impulsive, interminable

C- capable, carefree, confident, charming, cheerful, chivalrous, classic, clean, clever

H- hair-raising, happy, humorous, humble

K- keen, kinetic, knightly, knack

I- incredible, inevitable, infinite, inflame, ingenuity, intrinsic

A- accomplishment, appreciate, able, admirable, adequate, adorable, adventurous, aesthetic, amiable, apprehensive, appropriate, approve

M- magnificent, marvelous, meaningful, meritorious, merry, mighty

C- consistent, certain, colorful, comprehensive, colorful, comical, compassionate, concise

O- open-minded, open, outstanding, overwhelming

The following nouns and adjectives best describe the personality of Rich Kiamco, his performance, his writings, and the reactions of the audience. I feel proud to be a Pinoy right after the performance of Mr. Rich Kiamco.

The only flaw that I have observed was there was no tension in his hands when he was holding the imaginary bat. I did not feel that he was holding it. Maybe, it is because he really has not hold a bat yet (hehe!). Sometimes, he is lost, in portraying the mother or the father.

Unaccessorized. The performance ended and still I can not define the word yet. In my own understanding, the word literally means that one is not wearing accessories such as earrings, necklace, bracelet and the like. The performance was very simple. Mr. Kiamco wore no jewelries and had no other props aside from the three chairs. He had not even changed his costume. The presentation was very resourceful. It was very awesome.

 



{February 28, 2007}   ‘Antigong Agong’

Nasa kalagitnaan ng CHSS Fair nang umpisahang itayo ang isang istruktura na gawa sa kawayan sa isang sulok ng atrium. Ang nasabing istruktura ay kasali sa palabas na pinamagatang ‘Antigong Agong.’ Isang pagpupugay ang nasabing palabas dahil naaayon ito sa selebrasyon ng mga estudyante sa departamento ng CHSS.

Ang ‘Antigong Agong’ ay isang musical theater (kung saan may drama, aksyon, at kantahan). Ito ay tungkol sa Bud Dahu Battle.

Ako ay boluntaryong tumulong sa pagkuha o pagtanggap ng mga tiket at bayad ng mga manonood. Kusa akong tumulong sa mga estudyante ng UP na BACA rin(mga practicumers). Kasama si JR, kami ay naiwan sa likod at malayo sa mga nagsasadula. Sa gayon, malayong perspective ang aking maibabahagi.

Una sa lahat, ang nakaagaw ng aking pansin ang kalat o basag na musika o tunog. Maaring ito ay dahil sa hindi close ang lugar. Nakakalat ang tunog dahil sa open ang lugar.

Hindi rin kaaya-aya sa mata ang mga damit na kanilang ginamit. Marahil, ito sa kagustuhan ng direktor na ipakita ang tunay na larawan ng mga Tausog.

Sa dula merong prinsesa, dahil sa nakaupo ako sa malayo, agad na naghanap ang aking mata ng isang dilag na maputi at makinis ang kutis, may mapupungay na mata at mapupulang labi. Subalit, wala akong nahanap. Ang prinsesa sa palabas ay pareho lang o walang pagkakaiba sa kanyang mga kasamahan. Sa uulitin, gusto sigurong ipakita ng director sa kung ano ang nagaganap sa tunay na buhay.

Ilan sa mga gumanap ay mga Tausog at mahahalatang hindi Tagalog ang kanilang bernakyular na linggwahe. Pero ‘di naman ito nakaapekto ng lubusan sa kanilang pagganap sa mga karakter.

Naging maayos ang palabas. Mahusay ang pagpapakita ng mga tao sa likod ng produksyon, sa kwento sa pamamagitan ng isang paglalakbay sa inumpisahan sa kasalukuyan pabalik sa nakaraan at nagtapos sa kasalukuyan. (hmmmm…) Sa tingin ko iba rin ang magiging reaksyon ng audience kung mag-uumpisa ang dula sa digmaan at magtatapos sa kasalukuyan (mashock sila!hehe). Paano kaya kung ang digmaan lang ang tanging sitwasyon na bibigyan nila ng pansin? Eh, kung mag-umpisa sa kasalukuyan at magtapos sa nakaraan? (panget naman!) Maraming paraan ng pagsasadula pero mahusay ang napiling paraan ng direktor.

Saludo ako sa mga nagsiganap dahil lahat sila ay magagaling. Kahit na ilan sa kanila ay mga baguhan. Kunbinsidong kunbinsido ako naman ako sa pagsasadula sa karakter ng lola.

Maganda ang mga napili nilang musika, na sinag-ayonan din ng aking mga kaklase (problema lang ang lugar). Sa kabuuan, maayos ang palabas.

 

***Ang Bud Dahu ay isang kwento sa loob ng kwento. Kinuha ng director ang istorya doon sa lugar mismo ng mga Tausog at nagconceptualize. Lumapit siya sa mga Davao artist para alukin na sumali sa produksyon. Ang mga baguhan sa theater ay dumaan pa sa mga workshop.***

 



{February 20, 2007}   Birth

Birth



et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.